Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Magellan

Sagot :

Si Ferdinand Magellan ay isang manlalakbay na Portuges. Isa siya sa mga unang taong nakapagpatunay na ang mundo ay bilog. Natuklasan niya ito nang siya ay maglakbay patungong kanluran at marating ang dakong silangan.

Ang kanyang ekspedisyon din ang nagbigay-daan upang matuklasan ang Pilipinas at makilala ito ng mga Europeo. Ayon sa historiador na si Pigafetta (kasama ni Magellan sa ekspedisyon), ang Pilipinas ay may taglay na ganda at kakikitaan ng maraming likas na yaman. Naitala rin niya ang mabuting pagtanggap at pakikipagkaibigan ng mga katutubong Pilipino, partikular na sa Homonhon, Limasawa at Cebu.

Si Magellan din ang naging susi ng mga sumunod na matagumpay na ekspedisyon patungo sa Pilipinas.Natuklasan niya ang madali at ligtas na ruta patungong Silangan na naging patnubay ng mga sumunod na manlalakbay.