Sagot :
Ang kahulugan ng tumarok ay:
- Sumiyasat
- Tumuklas
- Kumintal
- Maisip
Mga pangungusap gamit ang salitang tumarok:
- Tumarok sa isip ng batang si Nena ang pag-alis ng kanyang ama.
- Hindi tumarok sa isip ni Juan ang napag-aralan nila sa klase kaya ito ay hindi nakapasa sa pagsusulit.
- Kahit pilitin kong kalimutan ang aking masasakit na karanasan ay hindi ko magawa. Sapagkat tumarok na ito sa puso at isip ko.
- Ang bilin ng ama ni Nora ay mag-aral ng mabuti at tarukin bawat paksa ng ito’y hindi malimutan.
- Hindi matarok ni Lea kung saan niya naiwan ang kanyang mga libro.
Mga pangungusap gamit ang salitang sumisiyasat:
- Sumisiyasat ng impormasyon si Rona para sa kanyang mga aralin.
- Ang pag-aaral tungkol sa paglikha ng gamot ay kinakailangan ng pagsisiyasat para sa matagumpay na resulta.
- Marami na ang sumiyasat sa pagputok ng bulkang Taal.
Mga pangungusap gamit ang salitang tumuklas:
- Nilalayon ng proyekto na tumuklas ng mga pamamaraan upang mapabilis na matukoy ang sanhi ng mga sakit.
- Nais tumuklas ni Ben ng makabagong kagamitan sa pagsasaka.
- Ang pagtuklas sa sitwasyon na kinahaharap ng bansa ay makatutulong upang mapabilis ang pag-unlad.
Mga pangungusap gamit ang salitang kumintal:
- Kumintal sa isip ni Lorna ang mga mabubuting bagay na ginawa ng kanyang ama upang sila ay makapagtapos ng pag-aaral.
- Ang mga turo ng guro ni Jojo ay kumintal sa kanyang isipan dahilan kung bakit nakakuha siya ng mataas na marka.
- Nakakintal pa rin sa isipan ng ina ni Jake ang magandang alaala ng kanyang pagsilang dito.
Mga pangungusap gamit ang salitang maisip:
- Hindi maisip ng matanda kung saan niya nailagay ang kanyang mga gamit.
- Maisip sana ni Mario ang pagpupulong sa darating na Martes.
- Malungkot na naisip ng ina ang kanyang anak na nasa malayo.
Para sa karagdagang impormasyon:
https://brainly.ph/question/286184
https://brainly.ph/question/514808
#LearnWithBrainly