Ano ang kahulugan ng BALANGKAS at isang HALIMBAWA nito

Sagot :

Ang balangkas ay isang pangkalahatang plano ng isang material na siyang nagbubuo ng isang talumpati o sulatin. Ang pagbabalangkas ay naglalaman ng kaayusan ng samu’t saring paksa na nagpapahayag ng kahalagahan ng bawat isa at ipinapakita ang ugnayan sa bawat bahagi. Bagama’t pormal na itinuturing ang balangkas, ang pagbuo nito ay may taglay na pleksdibilidad.

Iba pang taglay ng balangkas

Maaring taglay ng isang balangkas ang pangkalahatang paksa o di kaya ay ang detalyadong pagtalakay ng papaksain. Ang layunin ng balangkas ay upang maisaayos ang isusulat na teksto upang matiyak ang pag kakaugnay-ugnay ng mga ideya.

Tatlong Kategorya ng Balangkas

  1. Division –Ito ay pumupunto sa mga bilang ng anyong Romano (I, II, III)
  2. Subdivisyon – Ito ay pumupunto sa malalaking titik ng Alpabeto (A, B, C…)
  3. Seksyon – Ito ay pumupunto sa mga bilang Arabiko (1,2,3…)
  4. Mga balangkas na ginagamitan ng bilang arabiko ang  Divisyon, Subdivisyon at Seksyon gaya ng (1.,1.1 , 1.1.1 ,1.1.2)

Uri ng Balangkas

  • Paksang Balangkas – isinusulat sa salita or parirala ang mga punong kaisipan.

Halimbawa:

      1. Ang Iisang Wikang Filipino

      A.  Sagisag ng bansa

      B. Buklod ng pagkakaunawaan

  • Pangungusap na Balangkas – binubuo ng mahalagang pangungusap na sandyang bahagi ng isang sulatin.

Halimbawa:

     1. ANG PAGKAIN NG GULAY ANG MAHALAGA

     A. Masustansya ang gulay.

     B. Madali lamang itanim at lutuin ang mga ito.

  • Patalata na Balangkas – patalata ang paraan ng pag-aayos ng mga ideya, ngunit hindi ito madalas gamitin.

Tandaan

Ang paggawa ng balangkas ng mga salita ay nangangailangan ng pagdiriin sa mga titulo o pamagat na nasasaisip mo.  Pagandahin ang iyong mga ideya sa mga detalye o subtopics sa bawat  grupo ng salita. Dapat ding pagsama-samahin ang mga ideya na halos magkakatulad ang mga impormasyong ibinibigay. Kaya subukan ito.

Higit pang impormasyon tunkol sa balangkas ay mababasa sa mga ito.

https://brainly.ph/question/2121244

https://brainly.ph/question/149847

https://brainly.ph/question/1377249