tanong para sa bullying


Sagot :

MGA TANONG SA PAMBUBULAS O BULLYING?

1. Ano ang dahilan bakit ka binubully?

2. Sino ang mga nambu-bully?

3. Ano ang ginagawa mo kapag ikaw ay binubully?

4. Saan ka Binubully? Sa paaralan ba o sa tahanan . Ipaliwanag.

5. Ano ang mga dapat mong gawin kapag ikaw ay binubully?

6. Alam mob a na may batas na pomoprotekta sa binubully at may kaukulan itong parusa?

ANO ANG KAHARASAN SA PAARALAN?

  • Maraming karahasang nagaganap sa paaralan at napapaloob na rito ang pambubulas, pagnanakaw sa mga gamit at pag-aari ng paaralan, pakikipag-away, pakikipagsuntukan, pangongodigo, pagka-cutting class. May mga mag-aaral na nakikipag-inuman sa kaniyang mga kapwa kamag-aral sa mga lugar na walang makakita sa kanila. Pakikipagbarkada sa mga taong walang may magandang impluwensiya at ang kawalan ng paggalang sa mga guro.
  • Ang pagkakaroon ng kaharasan sa paaralan ay walang maidudulot na maganda sa paglago o pag-unlad ng paaralan. Nararapat lamang na habang maaga pa’y mabigyan ito ng solusyon upang huminto o magwakas ang mga kaharasang ito.

ANO ANG PAMBUBULAS?

  • Ang pambubulas o bullying ay isa sa pinakamalaking suliranin o problema ng mga tao sa lipunan lalo’t higit ng mga kabataan sa loob at labas ng paaralan. Ito ay sinasadya at madalas na ginagawa ng tao sa kaniyang kapwa. Ito ay ang pagtrato ng hindi maganda o kaaya-aya. Ito ay ang pagkalat ng tsismis, pangungutya, panlalait, pananakit sa pamamagitan ng salita o pisikal.
  • Ang pambubulas ay mayroong malaking epekto sa buhay at pagkatao ng biktima kaya ipinapayo ng mga ekspertong hindi dapat manahimik lang ang sinumang nakararanas ng ganitong pangyayari sa buhay. Magsumbong sa mga guro, mga magulang, o kaya’y sa mga awtoridad.

URI NG PAMBUBULAS?              

1. Pisikal na Pambubulas- ay ang pisikal na pananakit sa kapwa kagaya na lamang ng panununtok, paninipa, pangungurot, pananampal, pananabunot ng buhok at marami pang iba.

2. Sosyal na Pambubulas- ay tumutukoy sa pagkalat ng tsismis, pang-iiwan, pamamahiya, at iba pa.

3. Pambubulas sa Internet- ito ay ang pagpapadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng internet, pagpapakalat ng mga video o larawan na hindi kaaya-aya.

4. Pasalitang Pambubulas- ay tumutukoy naman sa pagsasalita ng masasakit katulad ng pangangantiyaw, panlalait, pang-aasar, at iba pa.

SINO ANG BINUBULAS?

Ang mga taong binubulas o kadalasang binubulas ay kakaiba ang pisikal oryentasyong sekswal, mababa ang tingin sa sarili, mahina at hindi kayang ipagtanggol ang sarili.  

Ang mga mag-aaral na madalas binubulas ay kadalasang napapabayaan ang pag-aaral at pagbaba ng marka dahilan upang humihinto at hindi na pagpapatuloy sa pag-aaral dahil sa takot na mapahiya, at ang iba nama’y nagpapakamatay dahil sa labis na depresiyon na hindi na makayanan. Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na nasisilbing paraan para sa kanila upang makalimot o magkaroon ng tapang o lakas ng loob na harapin ang mapang-abuso, mapang-mata at mapanghamong mundo.  

SINO ANG NAMBUBULAS?

Ang mga nambubulas ay ang mga taong nakararanas din ng pambubulas, humahanap ng atensiyon o pansin, may mga pinagdadaanan sa buhay at may mga problemang dinadala, pagkainggit o kaya’y pagkamuhi sa kaniyang kapwa. Ito ay maaaring mga estudyante na may kapit sa paaralan, nagmamayabang at mataas ang tingin sa sarili. At labis ang kanilang kasiyahan kapag mayroon silang inaapakang mahihina at walang lakas upang lumaban.

Ang iba nama’y nambubulas sa kapwa dahil gustong sumikat o kaya’y maghari-harian sa kanilang lugar. Mayroon din silang takot na sila ang mabulas o mabastos ng ibang tao kung kaya sila na ang gumagawa nito.

Ano ang pambubully, dahilan ng pambubully at paano maiiwasan ang pambubully:

brainly.ph/question/1047277

brainly.ph/question/683089

brainly.ph/question/2318797