Anong dahilan ng ikalawang digmaang pandaigdig?

Sagot :

Mga Posibleng Dahilan ng Pagsiklab ng World War 1 at 2

Sa isang lugar sa Austria-Hungary ay may mga nakatirang Bosnian at Serbian na hindi masyadong natutuwa na doon sila naninirahan. Samantalang ang Archduke na si Franz Ferdinand ay nasa isang sasakyan nang siya ay mapatay nang mabaril. Dahil sa pagkakapatay sa Archduke ay nagalit ang Austria-Hungary at sinisi ang Serbia. Iyan na nga ang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Noong natapos naman ang World War 1 ay may mga umusbong na mga Fascist na sina Mussolini ng Italy at Hitler ng Germany na nais manakop ng mga teritoryo. Nilabag ni Hitler ang Treaty Of Versailles sa pananakop at paggawa pa ng ibang bagay kahit may bago nang pinirmahang kasunduan. Kalaunan ay pinasok nga ng Germany ang Poland sa tulong ng bago nitong kakampi na Russia. Nagalit ang France at Britain at nais nang makipag-giyera sa kanila. Ang mga salik na iyan ang dahilan ng pagsiklab ng World War 2.

#AnswerForTrees