Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.
A. pandamdamin C. tulang dula B. pasalaysay D. patnigan


Sagot :

Elehiya

Answer:

Ang sagot ay letter A. Pandamdamin. Ang elehiya ay naglalaman ng emosyon ng isang tao. Ito ay naglalaman ng mga ala-ala at mga karanasan ng taong nagbabasa tungkol sa taong sinulatan ng tula. Ang isang elehiya ay naglalaman din ng mga tunay at totoong pangyayari bilang pag alala sa isang tao.

Dahil ang elehiya ay naglalaman ng masidhi o malalim na damdamin, ito ay tinatawag din bilang tula ng paghihinagpis. Madalas itong isinusulat para sa mga taong namayapa. Ang ibang elehiya naman ay naglalaman ng malikhaing pag iisiip at imahinasyon ng may akda. Ang elehiya ay isang uri ng emosyonal na tula na nakapagpapaiyak sa mga nakikinig o nagbabasa.

Para sa karagdagang kaalaman, tingnan ang link:

  • Halimbawa at kahulugan ng elehiya https://brainly.ph/question/108318

#LearnWithBrainly