Sagot :
Kasagutan:
Ferdinand Magellan
Sa paghahanap ng magandang kapalaran, ang manlalakbay na Portuges na si Ferdinand Magellan nabuhay noong c. 1480 hanggang 1521 ay umalis ng Espanya noong 1519 kasama ang limang barko upang matuklasan ang isang rutang pangkanluranin patungo sa Spice Islands.
Sa ruta niya ay natuklasan niya kung ano ang binansagan ngayon bilang Strait of Magellan. Siya rin ang naging unang European na tumawid sa Karagatang Pasipiko. Ang paglalakbay ay napakatagal at mapanganib, at isang barko lamang ang nakauwi pagkalipas ng tatlong taon. Labing walo lamang sa orihinal na tripulante niyang 270 ang nakabalik lulan ng barko. Si Magellan din ay napatay sa labanan sa paglalakbay, siya ay nakitil ng hukbo ni Lapu lapu sa Cebu. Siya ang nakapagcircumnavigate ng ating mundo.
Kaya naman siya naglalakbay sa ilalim ng pamumuno at suporta ng Espanya dahil noon ay mayroon siyang ideya na maaaring may ibang ruta sa pamamagitan ng paglalakbay sa kanluran at sa paligid ng Amerika ngunit hindi sumang-ayon ang Hari ng Portugal at nakipagtalo kay Magellan. Kaya nagpunta si Magellan kay Haring Charles V ng Espanya na pumayag na suportahan o pondohan ang paglalakbay niya.
Lapu-lapu
Si Lapu-lapu ay pinuno ng isang hukbo sa Mactan noong dumating ang barko nt manlalakbay na si Magellan sa Cebu ay nagduda siya sa pakay nito.
Dito ay sumiklab ang isang labanan at napatay ng grupo nina Lapu-lapu si Magellan at ilan pang mga kasamahan nito.
#AnswerForTrees
Answer:
FERDINAND MAGELLAN
- Si Ferdinand Magellan ay isang portuges at kilalang manlalakbay. Siya ay ipinanganak noong 1480 at namatay noong Abril 27, 1521 sa isang isla sa Pilipinas, ang isla ng Mactan. Siya ang unang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungo sa Asya at ang pinaka-unang nakatawid sa kagaratang Pasipiko. Ang kaniyang ruta ay tinatawag na Magellan's Strait.
#AnswerForTrees