Sagot :
Ang kapital ng bansang Pilipinas ay ang Maynila o Manila. Ito ay may makapal na populasyon at maraming mga gusaling pang-industriya at pangkalakal ang makikita dito. Itinuturing itong sentro ng kalakalan noong unang panahon.
Maynila
Ito ang punong lungsod ng Pilipinas. Ang Maynila ang pangalawang pinaka malaking lungsod ng bansa. Ito ang kauna-unahang lungsod na kinikilala ayon sa Philippine Commission Act 183 noong ika-13 ng Hulyo, 1901 at naging awtonomus nang maipasa ang Batas Republika Blg. 409 o ang "Revised Charter of the City of Manila" noong ika-18 ng Hunyo, 1949. Ang mga katabing lungsod ng Maynila ay ang Navotas, Caloocan, Lungsod Quezon, San Juan, Mandaluyong, Makati at Pasay. Ang opisyal na wikang ginagamit sa lungsod ng Maynila ay tagalog. Sa kasalukuyan ang Maynila ay pinamumunuan ng alkalde na si Isko Moreno.
Mga kilalang lugar sa lungsod ng Maynila
Apolinario Mabini Shrine
Chinatown (distrito ng Binondo)
Embahada ng Estados Unidos
(Mga) distrito ng Ermita at Malate
Intramuros
Jumbo Floating Hotel
Katedral ng Maynila
Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Kutang Santiago
Liwasang Paco
Luneta
Manila Baywalk
Simbahan ng Malate
Manila Boardwalk
Manila City Hall
Manila Ocean Park
Manila Yacht Club
Manila Zoological and Botanical Garden (Manila Zoo)
Metropolitan Theater
Museo Pambata
Otel ng Maynila
Bonifacio Shrine
Palasyo ng Malakanyang
Pambansang Aklatan ng Pilipinas
Pambansang Museo ng Pilipinas
Plaza Lorenzo Ruiz
Plaza Miranda
Plaza Rajah Sulayman
Quirino Grandstand
Remedios Circle
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
Simbahan ng Quiapo
Simbahan ng San Agustin
Simbahan ng San Sebastian
Unibersidad ng Santo Tomas
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang kahulugan ng simbolo ng maynila: brainly.ph/question/1901763
#LetsStudy