Si Gregoria de Jesus ang maybahay ni Andres Bonifacio at kinikilalang Lakambini ng Katipunan. Kilala rin siya sa tawag na Aling Oriang at bise-presidente ng women's chapter ng Katipunan ng Pilipinas. Marami siyang naging kontribusyon para sa Katipunan. Siya ang itinalagang tagapagtago ng mga importanteng dokumento at ng selyo o sagisag ng kilusan.