ano ang ibig sabihin ng giyang

Sagot :

Kahulugan ng Giyang

Ang ibig sabihin ng salitang giyang ay ang mga sumusunod na kasingkahulugan o katumbas na salita:

  • sira
  • bitak
  • biyak
  • giba
  • siwang
  • malit na butas
  • punit

Halimbawa ng mga Pangungusap Gamit ang Salitang Giyang

  • Dala ng kahirapan, kahit giyang na ang kanyang mga damit ay ang mga ito pa rin ang kanyang mga isinusuot araw-araw.

Ang ibig sabihin ng giyang sa pangungusap na ito ay sira, may butas o punit ang damit.

  • Sumisilip ang liwanag ng haring araw sa giyang na dingding ng kubo.

Ang ibig sabihin ng giyang sa pangungusap na ito ay may siwang o maliit na butas ang dingding na dinaanan ng liwanag.

  • Nagkaroon ng mga giwang ang kalsada dulot ng malakas na lindol kagabi.

Ang ibig sabihin ng giyang sa pangungusap na ito ay may sira, bitak o biyak ang kalsada.

  • Ang giwang ng mga lupa ay dulot ng mahabang tag-araw at kakulangan ng patubig sa bukid.

Ang ibig sabihin ng giyang sa pangungusap na ito ay may bitak ang lupa.

Mababasa ang iba pang mga impormasyon tungkol sa kahulugan o katumbas na salita ng salitang giya sa link na ito https://brainly.ph/question/917902

Para sa iba pang impormasyon na may kinalaman sa paggamit ng salitang giyang tulad ng sumusunod "Masayahin ang giyang yari sa bakal. Tama ba ang gamit ng masayahin sa pangungusap?" https://brainly.ph/question/96294

#LearnWithBrainly