Sagot :
Sino ang may akda ng Ibong Adarna?
May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw. Ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:
- Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag.
- Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito’y di isinama sa pagpapalathala.
- Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila.
- Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.
- Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949.
- Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si Jose de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna . At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.
Ano ang Ibong Adarna?
Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania. Halaw ito sa isang lumang Europeong alamat.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Ibong Adarna, maaaring magpunta sa link na ito:Sa anong panahon lumaganap and koridong ibong adarna: https://brainly.ph/question/528814
Mga tauhan sa kwento ng Ibong Adarna
Ibong Adarna- isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.
Don Fernando- hari sa kaharian ng Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Donya Valeriana- asawa ng hari na si Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Don Pedro- panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.
Don Diego- ikalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana.
Don Juan- bunsong anak nina Don Fernando at Donya Veleriana na may mabuting kalooban.
Ermitanyo- siya ang nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna.
Matandang Ketongin/Ermitanyo- tumulong kay Don Juan kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna at nagbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna.
Matanda- ang tumulong at naghilot kay Don Juan ng binugbog sya ng kanyang dalawang kapatid.
Prinsesa Juana- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon na kalaunan ay ikinasal kay Don Diego.
Prinsesa Leonora- magandang prinsesa na nakita ni Don Juan sa ibaba ng balon at umibig ito sa kanya.
Serpente- ang ahas na may pitong ulo na nagbabantay kina prinsesa Juana at prinsesa Leonora sa ibaba ng balon.
Higante- kasama ng serpente na nagbabantay sa dalawang prinsesa sa ilalim ng balon.
Lobo- ang alaga ni prinsesa Leonora na inutusan niya upang tulungan si Juan ng mahulog ito sa ilalim ng balon.
Donya Maria/ Maria Blanca- anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay napangasawa ni Don Juan.
Ermitanyo na may edad na 500- ang ermetanyong nagpapunta kay Don Juan sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800.
Haring Salermo- hari ng kaharian ng Delos Cristal. Ama ni Donya Maria ang nagbigay ng mga mahigpit na pagsubok kay Don Juan.
Negrito at Negrita- ang inilabas ni Donya Maria at ginamit upang bumalik ang ala-ala ni Juan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Bakit itinuring na angkop na angkop ang mga nilalaman ng ibong adarna sa kalinangan at kulturang pilipino bagama't sinasabi ng marami na isang halaw o huwad na panitikan lamang ito?:
https://brainly.ph/question/2093901