Si Conrado De Quiros ay isang kilalang manunulat sa Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong ika-27 ng Mayo taong 1951. Siya ay sumulat sa peryodikong Philippine Daily Inquirer sa kolumn na "There's the Rub" kung saan ay nilahad niya ang kanyang matatalim at malikhaing komentaryo ukol sa mga isyung politikal at sosyal sa Pilipinas.