bilang isang mag aaral paano ka makakatulong sa pagkamit ng pambansang kaunlaran

Sagot :

Answer:

Ang isang mag-aaral ay isang kasapi ng lipunan. Sila ay isang simpleng mamamayang nag-aaral para makatuklas ng mga bagong kaalaman na gagamitin nila sa hinaharap upang makatulong sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. Sa paaralan nahuhubog ang kanilang mga kaalaman at kakayahan, nahuhulma ang mga magagandang kaugalian at dito pinayayabong nila ang kanilang mga abilidad upang maging handa sa mga pagsubok sa pagharap sa realidad ng buhay.

Malaki ang maaring maiambag at maiitulong ng isang mag-aaral sa sa pagkamit ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng;

  • Pag-aaral ng mabuti upang maging handa sa hinaharap, upang pagdating ng panahon ay makatulong upang mapaunlad ang bansa.
  • Pagsunod sa mga batas na ipinaguutos at ipinatutupad.
  • Pagtulong sa mga taong nangangailangan kahit na sa simple at maliit na pamamaraan.
  • Maging matatag sa mga hamong ibinibigay ng mapagsamantalang lipunan tungo sa pagkamit ng mga mithiin at mga pangarap sa buhay.
  • Pagsunod sa mga kagustuhan ng magulang sapagkat ang lahat ng kanilang sinasabi ay tama at kapakanan lang ng kanilang anak ang kanilang iniisip upang pagdating ng araw maging gabay nila ang mga natutunan mula sa kanilang mga magulang upang makatulong sa mga posibleng maging problema ng lipunan.
  • Alamin at isabuhay ang mga tungkulin at karapatan bilang isang kasapi ng lipunan.  
  • Maayos na paggamit ng pinagkukunang yaman. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman at puno, pagtulong sa mga gawaing makapagpapaayos at makapagpapaganda ng kapaligiran at kalikasang makakatulong upang maging maayos ang lipunang ginagawalan.

 

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:  

brainly.ph/question/16453

#LetsStudy