Ang kontemporaryong panitikan ay tumutukoy sa uri ng panitikang moderno o makabago. Ilan sa mga kilalang panitikang kontemporaryo ay yaong mga nakikita, nababasa, at naririnig sa popular na kultura o panitikang popular, na siyang pinapalawig ng makabagong teknolohiya, tulad ng internet at telebisyon. Kontemporaryo rin ang panitikan sapagka’t sinasalamin nito ang pamumuhay ng kontemporaryong lipunang Pilipino.