Ano ang wastong gamit ng pandiwa?

Sagot :

Mga Wastong Gamit ng Pandiwa 
1.putulin-pagputol ng isang bagay.
halimbawa: Huwag nating putulin ang mga puno sa paligid.
2.putulan-pagputol ng isang bagay sa tao, hayop at bagay.
halimbawa: Cynthia, putulan mo naman ng mga tuyong sanga ang ating bougainvillea.
3. walisin- bagay ang winahwalis.
halimbawa: Walisin mo ang mga nakakalat na papel sa sahig.
4.walisan-lugar ang winawalisan.
halimbawa: Walisan mo ang sahig. Maraming pira-pirasong papel ang nakakalat.
5.tawagin-ginagamit para palapitin ang isang tao o hayop.
halimbawa: Tawagin mo na si Connie, kakain na.
6.tawagan- ginagamit para kausapin o bigyan-pansin ang isang tao.
halimbalwa: Nilo, tawagan mo si Dan para malaman natin kung sasama siya.
7.bilhin- bagay ang binibili.Tinatanggap din ang bilihin.
halimbawa: Ang damit bang ito ay gusto mong bilhin?
8.bilhan- tao ang binibilhan.Tinatanggap din ang bilihan.