Answer:
Ang Taft Commission ay naitatag noong Marso 16, 1900, at dumating ito sa ating bansa noong Hunyo 3, 1900, kaya ang tamang sagot ay letrang C.
Explanation:
Ang Taft Commission ay kilala rin sa tawag na Ikalawang Komisyon sa Pilipinas (Second Philippine Commission), at ito ay itinatag ni dating pangulong William McKinley noong Marso 16, 1900, matapos ang rekomendasyon ng unang komisyon sa pamumuno ni Dr. Jacob Schurman.
Ang Taft Commission ang nagsilbing unang lehislatura ng Pilipinas, at matapos nilang ipasa ang Philippine Organic Act noong 1902, nagsimula nang magsilbi bilang isang bicameral na lehislatura ang komisyon hanggang sa nagkaroon na ng sariling mga kinakatawan ang Pilipinas noong 1916 sa ilalim ng Philippine Autonomy Act.
Si William Howard Taft ang nagsilbing pinuno ng Ikalawang Komisyon sa Pilipinas mula Marso 16, 1900 hanggang Hulyo 4, 1901, at matapos ang kanyang pagsisilbi ay pinalitan na sya ng mga gobernador sibil.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Taft Commission, bisitahin lamang ang link na ito:
https://brainly.ph/question/509970
#BrainlyEveryday