Answer:
Ano ang kahulugan ng repleksyon ?
• Kung sa pag-aaral ang repleksyon ay nangangahulugang paninilay-nilay o pagmumuni-muni sa mga natutunan sa mga aralin na pinag-aralan sa klase.
• Nilalagom ng isang mag-aaral ang kanyang pinag-aralan sa pamamagitan ng pag-iisip ng malalim at malagom. Dito iniisip ng husto ang mga pangyayari o napag-aralan na mga bagay-bagay.
• Seryosong pinagninilayan ng isang mag-aaral ang kanyang mga natutunan o nakuhang aral sa kanilang paksa.
• Ito ay isang sulatin na nagpapahayag ng pinagtantuan ng isang mag-aaral ukol sa paksa.
Halimbawa:
1. Ang isang mag-aaral ay nagnilay-nilay sa araling kanilang tinatalakay sa klase nakaraang araw.
2. Ang mag-aaral ay nagbubulay-bulay sa salita ng Diyos na kanilang tinalakay sa kanilang devotion bago magsimula ang klase.
3. Si Ana ay nag-isip ng masidhi dahil nais niyang maunawaan ang kanilang paksa sa paaralan.
Kung sa bagay naman katulad ng salamin
• Makikita ng isang tao kung ano ang kanyang mukha.
• Nakikita ng isang tao ang kanyang imahe sa pamamagitan ng pagtingin sa salamin o sa mga makikintab na mga bagay.
• Maari ding maging repleksyon ang isang imahe o galaw ng isang tao.
Halimbawa:
1. Ang sulat kamay ni Ana ay isang repleksyon ng kanyang pagkatao.
2. Ang kalinisan sa tahanan ay repleksyon ng isang tao kung ano ang kanyang pag-uugali