Sagot :
Answer:
Explanation:
Isip at Kilos – Loob:
Isip:
Ang isip ay ang kakayahang alamain ang buod at diwa ng mga bagay at mag – isip. Ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, sumuri, umalala, at unawain ang kahulugan ng mga bagay – bagay. Kaya naman ang isip ay binibigyan ng iba’t ibang katawagang gaya ng katalinuhan o intellect, katwiran o reason, intelektwal na kamalayan o intellectual consciousness at intelektwal na memorya o intellectual memory base sa kung paano ito ginamit sa bawat pagkakataon.
gamit
tunguhin
Ang gamit ng isip ay upang umunawa. Sa pamamagitan ng isip natututong kilalalin ng tao ang masama at mabuti, totoo at hindi, mahalaga at walang kabuluhang mga bagay. Sa pamamagitan din ng isip napagtatanto ng tao ang kanyang mga kahinaan at kakulangan. Ang isip ang naghahanap ng katotohanan sa pamamagitan ng patuloy na pananaliksik.
Ang tunguhin ng isip ay katotohanan. Ang katotohanan ay natatagpuan sa pamamagitan ng patuloy na pananaliksik gamit hindi lamang ang isip pati na ang mga pandama ng tao tulad ng paningin, pandinig, pang – amoy, panlasa, at pandama.
Ano ang isip:
Kilos – Loob:
Ang kilos – loob ay ang kapangyarihang magpasya, pumili , at isakatuparan ang kanyang pinili. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos – loob ay isang makatwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay isang pakultad o faculty na nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama. Ito ay nakasalalay sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Samakatuwid, naiimpluwensyahan ng isip ang kilos – loob. Dahil sa kilos – loob, maaring piliin ng tao na gumawa ng mabuti.
gamit
tunguhin
Ang gamit ng kilos – loob ay upang kumilos o gumawa. Kapag ginagamit ng tao ang kanyang kapangyarihang pumili at gumawa ng tama, ipinapakita lamang niya ang kanyang mapanagutan o responsableng pagkilos.
Ang tunguhin ng kilos – loob ay kabutihan. Sapagkat ang kilos – loob ay hindi lumalapit sa kasamaan kaya’t ang tanging tunguhin nito ay ang kabutihan. Sa tuwing gumagawa ang tao ng kabutihan, ito ay pagpapakita lamang ng responsible o mapanagutang pagkilos.
Ano ang kilos –
Tandaan:
Ang isip at kilos – loob ay magiging ganap lamang kung ang tao ay magsasanay at patuloy na pauunlarin ang mga ito.
Kapag napangalagaan ng tao ang kanyang isip at kilos – loob, hindi magkakaroon ng pagkakataon na masira ang layunin kumbakit ang mga ito ay ipinagkaloob sa tao.
Mabuti para sa tao ang maging matalino ngunit hindi ito ang batayan ng pagiging mabuti. Ganunpaman, ito ay dapat na ginagamit upang:
paunlarin ang pagkatao
maglingkod sa kapwa
makibahagi o maglingkod sa pamayanan
Likas na natatangi ang tao dahil sa kanyang kakayahang mag – isip at kumilos ayon sa kanyang kalikasan ang magpakatao.
Pagpapa – unlad ng isip at kilos –