Answer:
1) ang mabuhay ay magdusa (Dukha), 2) ang pagdurusa ay hatid ng pagnanais (Tanha, or "attachment"), 3) maaalis ang pagdurusa sa pamamagitan ng pag-alis sa lahat ng "attachment" at 4) ito ay makakamtan sa pagsunod sa "noble eightfold path". Ang "eightfold path" ay nabubuo sa pagkakaroon ng tamang 1) pananaw, 2) hangarin, 3) pananalita, 4) kilos, 5) buhay (bilang monghe), 6) pagsisikap (wastong paggabay sa enerhiya), 7) pag-iisip (pagninilay), at 8) konsentrasyon (pokus). Ang mga katuruan ni Buddha ay tinipon sa tinatawag na "Tripitaka" o "three baskets."