elemento nang pelikola



Sagot :

Answer:

Elemento ng pelikula

1. ELEMENTO NG PELIKULA

2. 1. Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.

3. 2. Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.

4. 3. Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at amdamin ng manonood.

5. Iba pang mga Elemento

6. 1. Pananaliksik o Riserts Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.

7. 2. Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.

8. 3. Pagdidirihe Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.

9. 4. Pag-eedit  Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

Explanation: