Explanation:
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete.