Sagot :
Answer:
Kabihasnang Shang (1766 – 1028 BCE)
3. Ang Shang ay ang unang dayuhang tribo na permanenteng nanirahan sa ibabang bahagi ng Yellow River (Huang Ho). Ito rin ang ikalawang namamanang dinastiya sa Tsina.
4. Si Tang ang tagapagtatag ng Shang; ay gumamit ng mga aral mula sa mga labi ng nakaraang dinastiya, trinato niya nang mabuti ang kanyang mga mamamayan at gumamit ng maraming magagaling at matatalinong ministro.
5. Nagkamit ng malaking progreso ang Shang sa ekonomiya, teknolohiya, kultura at politika sa panahon ng paghahari ni Tang.
6. Dahil sa tunggaliang pampulitika para makamtan ang kapangyarihan sa korteng imperyal at sa patuloy na pakikidigma sa mga tribo sa hanggahan, limang beses na inilipat ang kabisera ng Shang.
7. Ang pinakakilalang paglipat ay naganap noong panahon ng paghahari ni Haring Pangeng, ang ika-17 hari ng Shang. Muli niyang itinayo ang kabisera sa Yin, sa lunsod ng Anyang ng lalawigang Henan.
8. Nang maitatag ang bagong kabisera, hindi na ito nagbago sa buong panahon ng Shang, kaya, ang Dinastiyang Shang ay laging tinatawag na "Ang Yin" o "ang Dinastiyang Yin- Shang".
9. Agrikultura o Pagsasaka Natuklasan ng mga arkeologo sa mga labi ng Yin, na ang Shang ay isang lipunang pansakahan, at mataas ang pamantayan sa agrikultura. Mayroong sistemang irigasyon upang mabigyang-lunas ang pagbaha ng ilog Huang Ho .
10. Malawakang ginagamit noon ang mga ararong bato, pala, karet at irigasyon. Ang mga pangunahing pananim ay kinabibilangan ng millet at trigo.
11. Industriya Umunlad din nang malaki ang iba pang industriya. Sa handicraft, ang operasyon ay nagkaroon ng higit na pinong dibisyon ng paggawa. Naitala ang isang daang linya ng paggawa sa handicraft noon.
12. Ang mga craftsmen ng Shang ay mahusay sa pagkalupkop at paglililok at litaw ang mga dekorasyon ng kanilang mga Jade wares. Stone wares at Ivory wares.
13. Nakapag-imbento ang mga manghahabi ng simpleng jacquard loom, sa paggawa ng sedang mataas ang kalidad at may hidden patterns.
14. Paggamit ng Bronze
15. Ang Dinastiyang Shang ay palatandaan ng pagdating ng Bronze Age. Gumitaw sa Tsina ang kulturang bronse bago ang 3,000 BC at umabot ito sa kasukdulan noong ika-13 siglo BC.
16. Ang mga bagay na yari sa bronse ay hindi lamang nakaapekto sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga tao kundi gayun din sa armas ng estado.
17. Ang bronze wares ay may dalawang klasipikasyon: mga panluto at lalagyan ng alak. Dahil sa malawakang paggamit ng bronze, nagkamit ng walang katulad na tagumpay ang Dinastiyang Shang sa pulitika, ekonomiya, kultura at sining.
18. Medisina at Teknolohiya Ang mga mamamayang Shang ay nagkamit pa ng kahanga-hangang progreso sa medisina at astronomiya; ang halimbawa ay lunar calendar. Gumagamit na rin sila nuon ng gulong at ng chariot.
19. Lunar Calendar Karwaheng Pandigma
20. Komunikasyon at Panulat Sa panahong Shang, ang mahahalagang pangyayari ay nakaukit sa mga bahay ng pagong at mga buto ng hayop sa pamamagitan ng Oracle Script, ang pinakamatandang porma ng nasusulat na komunikasyon ng Tsina.
21. O R A C L E S C R I P T
22. Oracle Bones Butong panghula at paraan ng pakikipag usap sa kanilang diyos at namatay na ninuno.
23. Ang Oracle Script ay naging mahalagang kulturang Tsino na pinaunlad pa nila sa isang sining na pagsusulat na tinatawag na CALLIGRAPHY.
24. CALLIGRAPHY
25. Mga Paniniwalang Relihiyon Sa paggitaw ng pagsasaka, sinasamba ng mga tao ang langit para magkaroon ng magandang panahon at mga pananim. Ito'y isanguri ng pagsamba sa kalikasan.
26. Ang isa pang paniniwala ay ang pagsamba sa kanilang mga ninuno na tinawag ding pagsamba sa kaluluwa. Nag-aalay sila ng sakripisyo sa kanilang mga ninuno at dumadalanging pagpalain sila ng kanilang ninuno.
27. Sistemang Panlipunan at Pulitika Sa Dinastiyang Shang ay laganap ang sistema ng pang-aalipin. Nagtatamasa ang mga aristokrata ng karangyaan samantalang namumuhay na parang aso ang mga alipin.
28. Sila'y pag-aari ng kanilang mga panginoon. Pagkaraang mamatay ang may-ari ng mga alipin, kadalasa'y inililibing sila nang buhay bilang alay na kasama ng mga inialay na hayop.
29. LABI NG MGA ALIPING INILIBING NG BUHAY BILANG ALAY
30. Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, pinagsanib ng mga hari ang pagsamba sa mga ninuno at ang pagsamba sa kalikasan.
31. Layunin nito ang lumikha ng Diyos ng Kalangitan, at ipinahayag ng mga hari ang kanilang sarili bilang mga ahente o pangmundong inapo ng Diyos.
32. Ang pagbagsak ng Shang Sa pagkamatay ni Haring Wuding ay hindi nagtagal ang panahon ng Dinastiyang Shang. Ayon sa mga salaysay, ang Shang ay bumagsak dahil sa pagkawala ng "kapangyarihan mula sa langit".
33. Ayon naman sa kasaysayan, naging malupit ang kahuli-hulihang hari ng Shang, kaya sumidhi ang panloob na mga alitan at nagrebelde ang mga decal state. Ang dinastiyang Shang ay lubusang lumipas nang gupuin ito ng dinastiyang Chou.