Mahalaga po na malaman at maintindihan natin ang tungkol sa climate change sapagkat ito ay isang malaking problema sa ating kapaligiran na kinakailangang masulosyonan . Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.