sinung Ang pangunahing tauhan ng kuwento?​

Sagot :

(Wala pong kwentong nakalagay. Pero sana makabigay ito ng ideya sa 'yo)

Pangunahing Tauhan ng Kwento

Ano ang Pangunahing tauhan?

Ang Pangunahing tauhan ay tumutukoy sa bida o ang tauhan na kumikilos sa kwento. Hindi tulad ng iba pang tauhan, umiikot sa kaniyang buhay, lakbay o karanasan ang kwento. Ang pangunahing tauhan ay ang laging nababanggit o siya ang mismong nagkukwento ng istorya.

Paano matutukoy ang pangunahing tauhan?

  • Kung ang tauhang iyon ang paksa
  • Kung napakilala na sa unang talata o simula ang tauhan
  • Kung nasa pamagat na ang pangalan ng tauhan
  • Kung siya ang nagsasalaysay ng kwento
  • Kung binabahagi ang lakbay ng tauhan

Halimbawa sa Pamagat:

  • Halimbawa, ang pamagat ay "Ang Lakbay ni Prinsipe Joseph"
  • Alamat ni Mariang Makiling
  • Ang Kwento ni Juan Tamad

Halimbawa sa Unang Talata:

"Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Anna. Siya ay isang mabuting dalaga na may mabuting puso at matulungin sa kanilang nayon..."

  • Sa simulang talata pa lamang ay napakilala na ang pangunahing tauhan.

"Ako si Prinsipe Raphael. Inatasan ako ng hari na hanapin ang isang dragon na mabagsik na aking kailangang talunin. Ngunit kailanganin ko munang lakbayin ang malayong lugar..."

  • Sa talata ay nasabi kung sino ang tauhan at mapapahayag ang lakbay niya sa buong kwento.

_______

Ang mga nabanggit ay iilan lamang sa mga paraan upang maihayag kung sino ang pangunahing tauhan sa kwento. Iba iba na rin ang paraan ng manunulat kung paano ipapakilala ang tauhan, sa nakakabigla o hindi nakakabiglang paraan man.

_______

#CarryOnLearning