Answer:
Not quite sure, but here are my thoughts!
Dahil sa mga dayuhang bansa, nagkakaroon tayo ng 'imported and for export goods' o pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto. Ito'y magpapalakas sa ating ekonomiya. At kung maraming available na gamit, produkto, at serbisyo, mas magiging abot-kaya at mas maraming pagpipilian ang mga mamimili kaysa sa mga lugar na hindi bukas sa dayuhang bansa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa kanila, naiimpluwensiyahan rin nila ang mga disenyo, pamamaraan, at mga makabagong ideya ang ating bayan. Ang ambag nila ay hindi rin limitado sa mga materyal na bagay -- dadami rin ang oportunidad ng ating mga kababayan na magkaroon ng trabaho sa ibang bansa.