Iba-iba Man, May Pagkakatulad Din
Zenaida Rylande
Siya, ako, at sila
Bansa nami'y iba-iba
Kaniya-kaniya ng kultura.
Iba-iba man ang aming pinanggalingan,
Tunay naman ang aming pagsasamahan
iba-iba man ang aming katauhan
Lumikha sa amin ay iisa lamang
Ang aming Diyos na kinikilala
Dakila Siya, tayo'y kaniyang nilikha

Sagutin ang mga katanungan:
1. Tungkol saan ang tula?

2. Ano ang pangangailangan ng bawat isa?
3. Bakit iisa tayo sa kabila ng pagkakaiba ng ating katauhan?
4. Paano nagiging dakila ang Diyos batay sa akda?
5. Paano nagkakaiba ang ating katauhan?