2. Ano. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. Halimbawa, gamit pa rin ang halimbawa sa bilang isa, ang kaniyang Lola Ester ay naubusan ng gamot para sa sakit nito. Kinailangan nito ng pera upang makabil ng gamot ngunit nawala sa lagayan ang pera nito. Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang masamang kilos ni Amold? Ang uri ng kilos ni Amold ay nagpakita ng mas masamang kilos dahil nahirapan sa paghinga ang kaniyang lola hanggang madala ito sa ospital 3. Saan. Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. Halimbawa, nagtawanan nang malakas ang ilang kabataan dahil pinag-uuspan nila ang isang kamag-aral na biglang naghirap dahil nalulong sa sugal ang ama nito. Ginawa nila to sa sambahan. Sa iyong palagay, nararapat ba na gawin nila ito sa kanilang kamag-aral? Bakit? Ang paninirang puri sa kanilang kamag-aral ay masamang kilos at hindi makatarungan sapagkat hindi alam ng tao na siya ay pinag-uusapan at wala man lang siyang magawa upang ipagtanggol ang kaniyang sarili sa pa, nadaragdagan ang masamang klos dahil sa lugar kung saan isinagawa to 118​