3. Si Marco ay labis na mahiyain. Wala siyang kaibigan na kasa-kasama sa paaralan. Malimit siyang magpuntang mag-isa sa silid-aklatan. Masaya siyang magbasa doon kahit na mag-isa lamang siya. Isang araw, may isang batang babae na pumuwesto sa lamesa malapit sa inuupuan ni Marco. Tahimik siyang nagbasa at gumawa ng kaniyang takdang-aralin. Nang magsasara na ang silid-aklatan, nagkasabay si Marco at ang batang babae na lumabas.​