Gawain 1. Web Organizer Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sa anong paraan mo isinalaysay ang alamat? 2. Ano ang nakatulong sa iyo upang mabuo mo ang iyong alamat? 3. May pagkakaiba ba ito sa iba pang uri ng panitikan na iyong naisulat na o nabasa? Ipa- liwanag. Kung nahirapan ka sa pagsulat ng iyong sariling alamat, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng mga gawain upang sa dulo ay makasulat ka ng isang mahusay na alamat.