Gawain 4: Sa Tula, Alamin mo! Panuto: Basahin at suriin ang detalye ng tula kaugnay ng "Bagyo". Matapos ito, tukuyin ang mga bahagi ng tula na nagsasaad ng mga layuning kaugnay ng disaster preparedness sa pamamagitan ng pagbilog sa bahaging tumutukoy sa layuning "to inform": paglilinya sa bahaging ukol sa layuning "to advise a pagkakahon sa bahaging kaugnay ng layuning "to instruct". Sa huli, sagutin ang mga pamprosesong tanong na nakatala sa ibaba.

TULA NO:3
"BAGYO"


Bagyong dadaan sa Pilipinas, Isang sakunang walang panlunas. Mamalasa na naman ngayon, Sa parehong panahon at pagkakataon. Kailangan mag-ingat ang lahat, Sa mas malakas na mararamdamang habagat. Habagat na magpapalakas sa ulan, Ulan na dulot ng tag-ulan. Maghanda sa mararamdamang pinsala, Sa isang bagyo na ngayong gabi o makalawa mananalasa Itali ang bubong upang hindi liparin, Liparin ng madadamang malakas na hangin. Lahat ng kailangang gamit ay ihanda, Maghanda sa darating na bagyo sa bansa. Maghanda para sa kaligtasan ng isa't isa, Kailangan magtulong-tulong at magkaisa iupang ang sakuna ay malagpasan ng sama-sama.


PAMPROSESONG TANONG
1.Ano ang pangunahing mensahe ng tula?

2.Batay sa tula,paano maipakikita ang kahandaan sa pagharap sa kalamidad?

3.sa iyong palagay,bakit kailangan magsagawa ng mga hakbangin sa paghahanda sa pagharap sa isang kalamidad gaya ng bagyo?​


Gawain 4 Sa Tula Alamin Mo Panuto Basahin At Suriin Ang Detalye Ng Tula Kaugnay Ng Bagyo Matapos Ito Tukuyin Ang Mga Bahagi Ng Tula Na Nagsasaad Ng Mga Layuning class=