Pagtukoy sa Uri ng Pangngalan Ayon sa Konsepto Kakayahan: Napag-uuri-uri ang mga pangngalan bilang pangngalang tahas o basal. Bilugan ang isang pangngalang tahas (kongkreto) at salungguhitan ang isang pangngalang basál (di-kongkreto) sa bawat pangungusap. 1. Hangarin ni Martin na maging isang bantog na manunulat. 2. Mauubos ang pasensiya ng babae dahil sa kakulitan ng bata. 3. Pinag-aaralan namin sa laboratoryo ang bisa ng gamot na ito. 4. Ang mangingisda ay sumisid sa dagat nang walang pangamba. 5. Mahalaga sa mga magulang ang edukasyon ng kanilang mga anak. 6. Ang pagtotroso ay mahigpit na ipinagbabawal sa kagubatan na ito. 7. Sinigurado muna ng mga pulis ang kaligtasan ng mga pasahero. 8. Ang kaunlaran ng ating bansa ay bunga ng ating pagtutulungan. 9. Mataas ang kalidad ng mga produkto na iniluluwas ng Pilipinas. 10. Kumain tayo ng sari-saring gulay at prutas upang mapangalagaan natin ang ating kalusugan. 11. Tungkulin ng bawat mamamayan ang ipagtanggol ang kalayaan ng ating bansa. 12. Isang malaking karangalan ang mahalal bilang pangulo ng samahang ito. 13. Bakas sa mga mukha ng mga nasalanta ang masidhing kalungkutan. 14. Nagpamalas ng katapangan ang mga Pilipino na lumaban sa mga Kastila. 15. Ang astronomiya ay ang pag-aaral tungkol sa mga planeta, bituin, at iba pang bagay sa kalawakan.​