(5)Maaari ba namang ang isang malusog na gaya mo ay ay hindi maaakit ng mga dalaga? Hayansi Alice . . . ‘yang gandang ‘yan . . .”“Bakit ba si Alice ang binubuwisit mo?” hadlang ni Andres. “Kahit na sa biruan ay mayhangganan.” “Tigilan mo na si Andy,” pakli ng dalaga. “At huwag mo naman akong pag-ukulan. Ano angmalay mo kung si Andy mayroon nang itinatago,” at tumawa si Alice. “May itinatago si Andy?” pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan angtinatawag na nauuhaw at ayaw makikiinom.” “At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni Andres. “Natatakot kang tanggihan kung ganoon. E, paano malalaman kung tatanggihan ka o kunghindi?” nakatawang tanong ni Alice. Tumindig na bigla si Andres. “Hatinggabi na, Bill”, aniya. “Mapupuyat na lubha si Alice. “Hayan ang sinasabi ko,” pakutyang pakli ni Bill,”ang magaling na kaibigan kong Pilipino aytakbuhin. Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan,” tudyo niya, “ay saka pa tatalilis. Tayo na.Walang mangyayari sa akin kung ang manok ko ay takbuhin.” Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kanyang amerikana at sumunod sa kaibigan.Inihatid siya ni Alice hanggang sa pintuang may kadiliman noon dahil sa bahagya nang abutin ngliwanag ng ilaw. “Aalis na kami, Alice. At maraming salamat sa iyong kagandahang-loob,” paalam ni Andres.“Hindi pangkaraniwang gabi ito sa gabi. Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni Alice sa kanyang pisngi . . . paki hanap po yung mga tunggalian plss