Tuklasin Basahin at suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong "Ang Ama" mula sa Singapore upang malaman mo kung paano ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento. Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan Upang lubos mong maunawaan ang kuwento kailangang bigyan ng konotatibo at denotatibong kahulugan ang mga ginuhitang mga pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap. Pagkatapos mo itong masagot balikan ang kuwento at basahing muli. Isulat ang sagot sa talahanayan na nasa ibaba. Huwag kalimutang maaari kang magpatulong sa iyong mga kapatid o magulang. Handa ka na ba? 1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. 2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito. 3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.