paki sagot pls

Ang Dulo ng Pandemya

Ni Angelica C. Tapit

Simula nang pumutok ang balita at kumalat ang 2019 novel coronavirus na ngayon ay tinatawag ng covid-19 sa buong mundo na nagmula sa Hubei sa China ay tila binalot ng katahimikan ang buong mundo. Maraming bansa na naging lamayan ang mga kalsada dahil sa dami ng namatay, mga bansang mas tunay at mas lalong naghirap, at mga bansang matatawag na matatag ngunit unti-unti na ring nanghihina ang ekonomiya - ang mga epekto na siyang naging epekto ng covid-19 ay isang malaking patunay na sa isang iglap ang kasiyahan sa gabi ay biglang mananahimik, ang dagsa ng tao sa labas ay hindi na lamang naging matumal kundi naging normal sa ilang buwan simula nang dumami ang mga tinamaan ng sakit sa kani-kanilang siyudad.

Ang pangyayari ito ay hindi hinagap ng karamihan na magaganap, totoong walang nag-isip na ito'y mangyayari. katulad na lamang noong 1918 na influenza na naging pandemya sa kalaunan, ang delubyong ito na sanhi ng H1N1 virus na nagmarka sa kasaysayan dahil sa tinatayang 50 milyong buhay ang kinitil nito sa buong mundo.

Talagang hindi na nga ata natuto ang mga tao sa nasaksihan na kasaysayan, sapagkat makalipas lamang ang isang daang taon ay nagkaroon na naman ng isang pandemya na ngayon ay kumitil na rin ng 465 libong buhay sa buong mundo, at mahigit sa 8 na milyon ang kumpirmadong mayroong covid 19. Ang natunghayan natin noong 1918 ay hindi na dapat pang hintayin ng bawat pinuno sa bawat bansa, na umabot din sa 50 milyong buhay ang mawala sa kasalukuyang bangungungot na kinakaharap ng buong mundo. Sadyang mahirap para sa lahat ang nangyayari kaya kinakailangan na magtulungan ang lahat ng tao upang matigi ang pagkalat, naging maagap ang pamahalaan para sa mga pinapatupad na patakaran upang mapababa ang bilang ng mga kaso ng covid-19, maging matalino at makatao sa pagpapalakad ng bagong sistema sa lahat ng ahensya, bigyang suporta ang mga taong nagtataya ng kanilang buhay upang hindi na umabot sa naging resulta ng 1918 Influenza at higit sa lahat ay manatili ang paniniwala sa Maykapal na ang lahat ng problema ay may katapusan, na ang pandemiya ay may dulo rin, na sa wakas nito ay muling sinikat at ngingiti ang umaga sa bawat isa.

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag na makikita sa ibaba.

Halimbawa:

Talagang mahalaga na magsuot ng facemask ngayon dahil hindi natin alam kung nasaan at sino ang mayroong cavid-19 sa mga nakakasalamuha natin

1. Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig sapagkat

2. Ang bawat probinsya sa Pilipinas ay mayroong iba't ibang kwentong bayan

dahil

3. Kung magkikipagtulungan ang bawat isa na masugpo ang covid-19 ay talagang

4. Totoong-totoo na ang mga datu ay maaaring mag-asawa ng higit pa sa

dalawa

sapagkat

5. Ang mga paniniwala, tradisyon at panitikan sa bawat probinsya ay sadyang mahalaga dahil​