Sagot :
Answer:
Ang isang mabuting mamamayan
Ang isang mabuting mamamayan ay may pagpapahalaga sa kanyang bansa at sa kanyang kapuwa, bilang isang mabuting mamamayan kailangan ay marunong kang magpahalaga sa iyong kapaligiran o kalikasan manguna ka pagpapakita ng tamang pagtatapon ng basura simpleng bagay lamang ito pero napakalaking tulong para mapangalagaan ang ating kapaligiran dahil sa panahon ngayon ang basura ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nasisira ang ating kalikasan. Dahila ng mga pagbaha dahil natatakpan ng mga basura ang mga kanal at ilog natin kaya di na dumadaloy ng maayos ang tubig, pagkamatay ng mga lamang dagat at ilog dahil nalalason na ang mga ito dahil sa tambak na basura na napupunta sa mga ilog at dagat natin. Bilang isang mabuting mamamayan makiisa rin tayo at sumunod sa mga batas na nag uutos ng pagbabawal ng pagputol ng mga puno sa kagubatan, ang panghuhuli, pagpatay ng mga hayop sa kagubatan, ang pagmimina sa mga kabundukan na nagiging dahilan ng pagguho ng lupa. Bilang isang mabuting mamamayan tungkulin mo rin na tumulong sa iyong kapuwa kahit sa maliliit na bagay lamang. Katangian rin ng isang mabuting mamamayan ang pagiging tapat sa kanyang tungkulin at maging masipag sa trabahong kanyang ginagampanan. Bilang isang mabuting mamamayan tungkulin mo rin na ipagmalaki ang ating kultura at tangkilikin ang mga produktong sariling atin upang makatulong sa mabilis na pag unlad n gating ekonomiya. Katangian din ng isang mabuting mamamayan ang pagiging maka Diyos dahil ang taong makadiyos laging iniisip ang kanyang kapuwa kung ano ang makabubuti sa kanyang kapuwa at sa kanyang bayan.
Explanation:
pa brainliest