Limang haligi ng islam na pag dadasal ng limang ulit sa isang araw na nakaharap sa direksyon ng makkah


Sagot :

Sa relihiyong Islam, may tinatawag na limang haligi. Itong limang haliging ito a na obligasyon ng mga Muslim: shahadah, salat, zakat, sawm, at hajj. Ang tawag sa kagawian ng mga Muslim na magdasal ng limang beses sa isang araw ay tinatawag na salat. Ang limang beses na ito ay: bago sumikat ang araw, tanghali, hapon, paglubog ng araw, at bago matulog sa gabi. Sa salat, kinakailangang nakaharap ang nagdadasal sa direksyon ng Mecca. May bansag din sa direksyon ng pagdadasal sa Islam,  ito ay tinatawag na qibla. Hindi kinakailangang nasa loob ng Mosque ang pagsasagawa ng salat, ang pinakamahalaga sa pagdarasal ng mga Muslim ay dapat na sila ay nakaharap sa direksyon ng Mecca. Ang Mecca, na matatagpuan sa Saudi Arabia, ay mahalaga sa relihiyong Islam dahil dito ipinanganak ang propetang si Muhammad. Sa panahon ngayon, madalas bago ang salat pinapaalalahanan ang mga Muslim gamit ang mga speaker sa Mosque na oras na para magdasal.

Para sa karagdagang kaalaman patungkol sa Islam: https://brainly.ph/question/6937137?referrer=searchResults

#SPJ1