Sagot :
Ang pagsasalita ng wikang Filipino sa panahon natin ngayon na tila mas minamahal ang mga taong nagsasalita ng Ingles ay mahalaga dahil sa tatlong dahilan:
- Ang pagsasalita ng Filipino ay pagpapanatiling buhay ng ating sariling wika at kultura.
- Ang pagsasalita ng Filipino ay isang paraan ng pagpapakita ng talino.
- Ang pagsasalita ng Filipino ay paraan ng pag-abot sa mas nakararaming kababayan
Ang pagsasalita ng Filipino ay pagpapanatiling buhay ng ating sariling wika at kultura.
- Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nangangahulugan na mayaman ang kultura ng isang bansa. Sa pamamagitan ng palagiang pagsasalita ng Filipino, mananatiling buhay ang ating wika at hindi matutulad sa mga ibang wika na nangamatay dahil wala nang nagsasalita nito.
Ang pagsasalita ng Filipino ay isang paraan ng pagpapakita ng talino.
- Ang pagsasalita ng wikang Filipino ay hindi nangangahulugan ng mas mababang pagkaunawa sa mga aralin. Hindi rin ibig sabihin na magaling ang isang tao sa pagsasalita ng Ingles ay mas matalino na sya. Isang batayan ng talion ay kung gaano katatas (fluency) ang isang tao sa isang wika. Kung kaya mo na ihayag ang iyong ideya sa pagsasalita ng Filipino, wala itong kaibanhan sa pagsasalita ng Ingles.
Ang pagsasalita ng Filipino ay paraan ng pag-abot sa mas nakararaming kababayan.
- Ang pagsasalita ng Filipino ay isang paraan na tayo ay maintindihan ng mas nakararaming Filipino. Oo, mahalaga ang Ingles ngunit mas maraming tao sa ating bansa ang mas higit na makakaunawa kung Filipino ang gagamiting wika.
Learn more about Wikang Filipino here: https://brainly.ph/question/17473967?referrer=searchResults
#SPJ1