ano ang pinakatamang desisyon para hindi mahawaan TB ang mga mahal sa buhay​

Sagot :

Ang TB o Tuberculosis ang isang sakit sa baga na bunga ng impeksyon ng mikrobyo na kumakalat sa pamamagitan ng hangin.  Ito ay nagpapakita ng sintomas at lubhang nakakahawa.

Mga Sintomas ng TB o Tuberculosis:

  • Lagnat
  • Ubong tumatagal ng mahigit sa tatlong linggo
  • Pag-ubo na may kasamang dugo
  • Pagpapawis sa gabi
  • Palaging nakakaramdam ng pagkapagod
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Pamamayat o biglaang pagbagsak ng timbang

Ang pinakatamang desisyon para hindi mahawaan ng TB ang mga mahal sa buhay ay ang palaging pagsusuot ng facemask kapag nasa bahay lalong-lalo na kapag nakikipag-usap sa kanila o sa ibang tao.

Ilan pang impormasyon upang mapigilan ang pagkalat ng TB o Tuberculosis:

  • Palakasin ang immune system.
  • Alamin kung ang makakasalimuha ay mga taong exposed sa mayroong active TB.
  • Pagsabihang magtakip ng kanilang ilong at bibig ang mga taong may TB kung sila'y babahing at uubo.
  • Ugaliin ang paghuhugas ng kamay.
  • Gumamit ng facemask at tissue.
  • Magpatingin sa doktor kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas ng TB.

Source:

https://www.ritemed.com.ph/articles/5-tips-para-maiwasan-ang-pagkalat-ng-tuberculosis

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Tuberculosis, maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link sa ibaba:

brainly.ph/question/9230881

brainly.ph/question/380662

brainly.ph/question/2455241

#SPJ1