Malirip ang pagkasulat ng mga gamot na reseta ng doctor kaya hindi agad nakabili ng
gamot si tatay. Ano ang kahulugan ng salitang naka-salungguhit?
a. Marumi
b. Malabo
c. Maikli
d. Magara


Malirip Ang Pagkasulat Ng Mga Gamot Na Reseta Ng Doctor Kaya Hindi Agad Nakabili Ng Gamot Si Tatay Ano Ang Kahulugan Ng Salitang Nakasalungguhit A Marumi B Mala class=

Sagot :

Ang kahulugan ng salitang "marilip", batay sa pangungusap, ay "malabo".

Paggamit ng context clues o pahiwatig na kontekstwal para malaman ang kahulugan ng salita

Sa pangungusap sa itaas, ang mga context clues na ginamit ay ang mga sumusunod:

  • pagkasulat ng mga gamot na reseta ng doctor - dahil ang sulat ng doktor sa mga reseta ay kilala bilang mahirap basahin o intindihin
  • kaya hindi agad nakabili nggamot si tatay - ito ay nagpapatunay na mahirap maintindihan ang nakasulat dahilan upang hindi agad mabili ang gamot

Dahil sa mga clues na ito, masasabi natin ang ang ibig sabihin ng malirip sa pangungusap ay malabo. Ang ipinapahiwatig ng salitang malabo dito ay malabong maintindihan o malabong mabasa.

Mahalaga ang paggamit ng context clues para maintindihan ang mga salita o parirala na hindi pamilyar sa atin. Kailangan na basahin nang mabuti at intindihin ang pangungusap upang makakita ng mga salita o grupo ng salita na maaaring makatulong para malinawan tayo sa mga salitang hindi natin alam ang kahulugan.

Iba pang detalye tungkol sa context clues:

https://brainly.ph/question/15387880

#SPJ4