Sagot :
Ang Idiyoma ay isang grupo ng salita na hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Madalas na patalinghaga ang paggamit ng mga salitang ito.
Ano ang Idyoma?
Ang idyoma, o idiom sa Ingles, ay matalinghagang pagpapahayag. Ito ay paggamit ng salita o grupo ng mga salita na hindi tuwiran o direkta ang kahulugan. Ginagamit ang idyoma upang makapagpahayag sa masining (artistic) na paraan.
Halimbawang mga Idyoma at kung paano ito ginagamit sa mga pangungusap:
- pantay na ang mga paa - patay na
Hindi na makakasagot si Mang Juan sa inyong mga paratang dahil pantay na ang kanyang mga paa.
- nakalutang sa ulap - masayang masaya
Parang nakalutang sa ulap si Pedro nang sya ay sagutin na ng kanyang nililigawang dalaga.
- malaki ang ulo - mayabang
Lumaki na ang ulo ng pamilyang Reyes magmula nang manalo sila ng malaking halaga sa lotto.
- ilaw ng tahanan - ina o nanay
Nahirapan ang mga bata nang mawala ang ilaw ng kanilang tahanan.
Basahin ang iba pang detalye tungkol sa idyoma dito: https://brainly.ph/question/11894098
#SPJ4