Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang pahayag na ito"Kinayamutan ng guro ang pagtuturo.
Binalak nitong magbago ng hanapbuhhay ngunit wala siyang magawa."
A. Tunggaliang tao sa tao
B. Tunggaliang tao sa lipunan
C. Tunggaliang tao sa sarili
D. Tunggaliang tao sa kalikasan


Sagot :

Kung bagong hanapbuhay ang nais balakin ng guro pinakamainam na sagot ang B. Tunggaliang tao sa lipunan.

Walang binigay na spesipikong dahilan kung bakit walang magawa ang guro. Base sa reyalidad at limitadong kontekstong ibinigay ng pangugusp maaring mahinuha na ang dahilan kung bakit walang magawa ang guro ay maaring dahil:

  • Kakulangan ng oportunidad
  • Paraan para sumubok ng ibang propesyon marahil dahil sa pera, oras, o/at pamilya.

Ang mga kadahilanang ito ay isyung panlipunan, dahil ito ay isyung hindi lamang pang indibidwal. Maraming tao ang naghahanap buhay sa paraang tutol sa kanilang kagustuhan at kalooban. Sa lipunang salat sa pera at oportunidad makabubuti na maghanap buhay kahit di-angkop sa iyong personalidad dahil wala ang marami sa posisyon na pumili.

Kahit sabihing pagkayamot ang dahilan kung bakit nais ng gurong magpalit ng propesyon ang humahadlang sa kanya ay mga salik panlipunan kaya masasabing ang tunggaliang nagaganap ay tunggaliang tao laban sa lipunan.

Para sa karagdagang kaalaman patungkol sa tunggaliang ginagamit sa panitikan: https://brainly.ph/question/1308945?referrer=searchResults

#SPJ4