Ang teorya ng panitikang nagsasaalang-alang kung makatarungan ba o hindi ang desisyon na ginawa ng mga tauhan ay tinatawag na D. Moralistiko
Ang mga teoryang pampanitikan ay mga lenteng nakakatulong sa mga mambabasa kung paano papakahulugan o bibigyang interpretasyon ang ating nabasa. Sa paggamit ng Teoryang Moralistiko umiikot ang pagbibigay natin ng interpretasyon sa mga tauhan sa mga tanong na: Ano ang perspektib ng karakter sa moralidad ng kanilang mga ginawang desisyon? Paano nito naiimpluwensiyahan ang paraan at takbo ng naratibo?
Iba ito sa Sosyolohikal, Arketaypal, at Sikolohikal.
Sa Teoryang Sosyolohikal umiikot ang pagbibigay interpretasyon sa taong na: Ano ang papel ng mga institusyong panlipunan sa paghubog ng karakter, lugar, at naratibo?
Samantalang sa Teoryang Arketaypal kailangan lumabas sa akdang nais mong bigyan analisis at ilugar ito sa mas malawak na tradisyon ng panitikan, ang tanong dito ay: Anong mga pattern ang ipinagpatuloy o itinigil ng akdang ito kung ito ay ilulugar sa iba pang mga akdang nauna rito?
At huli, sa Teoryang Sikolohikal binibigyang pansin ang panloob na mga proseso at penomenang nangyayari sa isipan tauhan. Ito ay mas individualistic na teorya kumpara sa naunang tatlong aking nabanggit.
Para sa dagdag kaalaman patungkol sa panitikan: https://brainly.ph/question/572400
#SPJ4