Sagot :
Katanungan
Ano ang nais iparating ng pahayag na, “Sa tuwi akong makakitang Bangkang papel ay nangbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki.
Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman?”
Naaayon na Sagot
Ang nais na iparating ng pahayag ay “B. Kalungkutan sa kabiguan ng tao”
Ano ang Nais na Iparating ng Pahayag?
“Sa tuwi akong makakitang bangkang papel ay nangbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki.”
- Ipinaparating ng linya na ito na mayroon siyang ala-ala na mayroong kaugnayan sa batang lalaki na maaaring kaibigan, malapit sa puso o kaya naman kilala lamang niya ngunit nagkaroon ng malaking impluwensya sa kanyang buhay. Kaya naman sa tuwing makakakita siya ng bangkang papel ay naaalala niya ang batang lalaki na ito. Sa sumunod naman na linya;
“Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman”
- Mapapansin naman dito na ang lalaking tinutukoy niya ay gumagawa ng tatlong malalaking bangka. Maaaring ang mga bangka na tinutukoy dito ay ang mga pangarap ng batang lalaki. Nabanggit din dito na ang mga bangka ay di niya napalutang kung saan maaari namang nagbibigay kahulugan na hindi siya nagkaroon ng pagkakataon o hindi niya naabot ang kanyang mga pangarap. Ito ang naging kaibugan ng batang lalaki sa pahayag.
Konklusyon
Sinumang tao na palaging nagbabanggit o nagsusumikap para matupad ang kanyang mga pangarap ngunit hindi natupad ay makakaramdam ng kalungkutan at pagkabigo sa buhay. Ang tauhan naman na nakaalala sa batang lalaki ay nakaramdam ng kalungkutan kaya naman ang pinaka-ayon na sagot sa pagpipilian ay ang letrang “B. Kalungkutan sa kabiguan ng tao.”
Para sa Karagdagang Impormasyon
Kahulugan ng Kalungkutan:
https://brainly.ph/question/128717
#SPJ4