Ang teoryang pampanitikan na nakatuon sa mga katangiang positibo ng tao.
A. Humanismo
B. Realismo
C. Naturalismo
D. Romantisismo


Sagot :

Ang empasis sa positibong katangian ng tao at kanyang karanasan sa teoryang pampanitikan ay tinatawag na A. Humanismo.

Sa libro ni Meera Panigharani na pinagamatang Humanism and Culture (2002) sinabi niyang ang humanismo ay nagbibigay empasis sa katangian ng taong matuto sa pagdurusa at mapagtagumpayan ang mga sirkumstanyang binigay sa atin ng buhay. May iba’t ibang nagtatalong depinisyon ng Humanismo at kung ano nga ba ang sakop nito pero maaring tukuyin kung ang isang akdang pampanitikan ay gumagamit ng teoryang humanismo kung ito ay:

  • Nakapokus sa karanasan ng tao at kung paano niya gagamitin ang karanasang iyon para bigyan kahulugan ang pagiging tao.
  • Pagbibigay importansya sa kakayahan ng tao na mangatwiran.
  • Pagbibigay empasis sa kahalagahan ng buhay ng tao.

Ang teoryang humanismo ay hindi lamang ginagamit sa panitikan bagkus ang mga ideyang nakapaloob dito ay ginagamit rin sa disiplina ng pedagohiya, sikolohiya, sosyolohiya, at marami pang ibang sangay ng araling panlipunan at pilosopiya.

Para sa dagdag na kaalaman iba pang teoryang pampanitikan: https://brainly.ph/question/11013875

#SPJ4