"Inay", ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay?Anong oras na ba?Anong angkop na damdamin o gawi ng tauhan?
A. Pag-aalala
B. Pagkainip
C. Pagkatakot
D. Paghihinala


Sagot :

Ang angkop na damdamin o gawi na makikita sa pagsasabi ng ""Inay, bakit wala pa si Tatay?Anong oras na ba?" ay pag-aalala.

Paggamit ng Context Clues o Pahiwatig na Kontekstwal upang malaman ang damdamin o gawi ng isang tauhan

Ang mga context clues na nagpapakita ng damdamin na pag-aalala sa pangungusap ay ang mga sumusunod:

  • "Bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?" = Ito ay nagsasabi na ang tatay ay hindi pa nakakauwi sa normal o karaniwang oras ng kanyang pag-uwi. Maaari ring lumalalim na ang gabi kaya inaasahan nila na dapat ay nasa bahay na ang tatay nila
  • " ang tawag niyang muli" = ang pagtawag na muli ng anak ay nagpapakita din ng pag-aalala dahil ibig sabihin nito ay maaring hindi sya mapanatag kaya inuulit-ulit niyang tanungin kung nakauwi na ba ang tatay nya

Dahil sa mga context clues na nabanggit sa itaas, masasabi natin na pag-aalala nga ang nararamdaman o damdamin ng tauhan na nagtatanong.

Iba pang detalye o aralin tungkol sa context clues:

https://brainly.ph/question/20926582

#SPJ4