"Manunulay kata,Habang maaga pa,Sa isang pilapil,Na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin.
"ang pariralang may salungguhit mula sa tulang sa "Tabi ng Dagat" ay nangangahulugang...
A. Dami ng bituin
B. Halumigmig ng gabi
C. Hamog sa umaga
D. Patak ng ulan


Sagot :

Ang pariralang "luha ng mga bituin" na mula sa tulang Tabi ng Dagat ay nangangahulugan na "hamog sa umaga".

Paggamit ng Context Clues o Pahiwatig na Konteksto para maiintindihan ang kahulugan ng mga salita:

Upang malaman ang ibig sabihin ng nakasalungguhit na parirala na "luha ng bituin", maari tayong gumamit ng mga context clues na nasa ibang bahagi ng tula.

  • maaga pa - nagsasabi na naganap ito sa maagang oras
  • nalalatagan ang damo - ang mga damo ay nabasa ng mga "luha"

Gamit ang mga context clues na ito, maari nating sabihin na ang luha ng bituin ay ang hamog sa umaga. Ito ay dahil ang hamog ay lumalabas lamang sa napakaagang oras, habang hindi pa mainit ang araw at mga damo at ibang halaman ang madalas na nahuhulugan o nakikitaan ng mga hamog sa umaga.

Mahalaga ang paggamit ng context clues upang maintindihan ang mga hindi pamilyar na salita o parirala sa isang pangungusap o talata. May apat na uri ang context clues. Ito ay ang:

  • kahulugan o depinisyon
  • kasingkahulugan
  • kasalungat o kabaligtaran
  • halimbawa o paliwanag

Narito ang iba pang detalye tungkol sa context clues:

https://brainly.ph/question/24277764

#SPJ4