"Tinungkod ako nang tinungkod",ang pag-uulit ng salitang tinungkod ay nagpapahiwatig ng:
A. Paulit-ulit na ginawa
B. Isang beses na ginawa
C. Madalang na ginawa
D. Palaging ginawa


Sagot :

Ang pag-uulit sa salitang tinungkod sa pahayag na “tinungkod ako nang tinungkod” ay nagpapahiwatig ng A. paulit-ulit na ginawa

Ano ang ibig sabihin kapag ang isang salita ay inuulit at pinagdudugtong ng “nang”?

  • Kapag ang isang salitang kilos o pandiwa ay inuulit at ginamitan ng salitang “nang”,ang ibig sabihin nito ay paulit-ulit na ginagawa ang kilos na tinutukoy. 

Iba pang halimbawa:

  • Takbo nang takbo si John kanina sa parke kaya siya ay napagod.
  • Huwag kang kumain nang kumain kung ayaw mong madagdagan pa lalo ang iyong timbang.
  • Nang magkasakit ang nanay ni May, wala siyang ibang ginawa kundi magdasal nang magdasal na sana ay gumaling na ang kanyang ina.
  • Maraming Pilipino ang kayod nang kayod sa panahon ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin.
  • Gusto kong mag-aral nang mag-aral para mataas ang makuha kong iskor sa darating na pagsusulit.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pag-uulit ng salita at paggamit ng "nang" dito:

https://brainly.ph/question/2749269

#SPJ4