Pangunahing epekto ng pananakop sa timog at timog silangang asya

Sagot :

Mga Pangunahing Epekto ng Pananakop sa Timog at Timog Silangang Asya

Epekto sa Ekonomiya at Kalakalan

  • Ang sistema ng kalakalan sa mga pampalasa ay naging monopolyo kung saan isa lamang ang mayrong karapatan na ito ay ipangalap. Ito ay ang bansang nanakop sa Timog at Timog Silangan Asya.
  • Ang mga produktong itinitinda ng mga lokal na walang permiso sa mananakop ay kinukumpiska.
  • Ang magandang kalakalan sa mga magkakaratig na bansa ng Asya ay nagkaroon ng wakas.
  • Ang mga likas na yaman tulad ng puno ay napagsamantalahan at ginamit para sa ikauunlad ng mga mananakop na bansa.
  • Pagkawala ng kabuhayan ng mga pamilya ng lokal dahil sa pagtanggal ng karapatan sa sariling lupain.

Epekto sa Pulitika

  • Ang pamamalakad ay naging Sentralisadong Pamamahala kung saan iisang pinuno ang namamahala, nagdedesisyon at gumagawa ng batas para sa nasasakupan nito.
  • Ang mga lokal ay nagkaroon ng responsibilidad na magbayad ng buwis sa mananakop.
  • Nagkaroon ng Reduccion kung saan ang isang taong may mataas na katungkulan ay binigyan ng karapatan na ipalaganap ang kolonyalismo.

Epekto sa Relihiyon

  • Ang pagpapalaganap ng relihiyong itinataguyod ng mananakop. Isa sa halimbawa nito ay ang Katolisismo.

Epekto sa Kultura

  • Nagkaroon ng sapilitang paggawa o pagtatrabaho para sa mga dayuhan.
  • Ang sistema ng pamantayan ng Edukasyon ay nagkaroon ng malaking pagbabago.
  • Ang ilan sa mga lokal na populasyon ay inaasawa ng mga mananakop.
  • Nagkaroon ng akulturasyon. Ang mga sariling kultura ng mga bansa sa Asya at Timog Asya ay nagkaroon ng pagbabago at napapalitan ng kultura ng iba.

Para sa Karagdagang Impormasyon:

Epekto ng Pananakop ng mga Espanyol: https://brainly.ph/question/14380160

Mga Bansa sa Asya na nasakop ng Kanluranin:

https://brainly.ph/question/93353

#SPJ1