Sa sanga nga ng Piedras Platas nakita ni Don Juan ang hinahanap niyang ibong adarna. Nang kumanta ito ay inantok si Don Juan kaya agad niyang hiniwa at pinigaan ng dayap ang kanyang palad. Dahil pitong beses kumanta at nagpalit ng balahibo ang ibong adarna, ay pitong beses din hiniwa ni Don Juan ang kanyang palad. Pagkatapos nitong kumanta ay nagbawas ito, na iniwasan naman ni Don Juan upang di siya matulad sa sinapit ng kanyang mga kapatid. Nang makatulog ang ibong adarna ay tinalian ni Don Juan ang paa nito gamit ang gintong sintas. Dinala niya ito sa ermitanyo, sinilid ito ng ermitanyo sa hawla at binigay kay Don Juan. Sa paghuli niya sa ibong adarna ay nagawa nilang maibalik sa dati ang mga kapatid ni Don Juan.
Ito ay isang mahiwagang ibon na mayroong mahabang buntot at magandang tinig. May kakayahan itong magpalit ng mas matitingkad pang kulay pagkatapos nitong umawit. Kaya nitong kumanta ng 7 awitin na makapagpapatulog sa kahit na kanino at makapagpapagaling ng kahit anong sakit. Sinasabing kapag ikaw ay naiputan ng ibong adarna ay magiging bato ka.
Bisitahin ang mga link para sa iba pang mahalagang impormasyon:
Maikling buod ng Ibong Adarna:
Tauhan sa Ibong Adarna:
#SPJ1