Pumili ng isang tauhan mula sa Ibong Adarna na maaari mong ihalintulad sa inyong sarili. Gawin ito sa isang malinis na Bond Paper.​

Sagot :

Answer:

Si Don Juan dahil ito ay mabait, masipag, mapagpatawad sa kapuwa, matulungin, mapagmahal sa pamilya, at may pananampalataya sa diyos. Ang mga katangiang ito ay nakikita ko sa aking sarili dahil hindi sa pagmamayabang lahat ito ay na saakin. Ang pagiging mabait ay nakikita ko sa aking sarili dahil ako ay hindi gumagawa ng masama at palagi akong nagsasabi ng totoo dahil alam ko na kapag ako ay nagsasabi ng totoo ang lahat ng aking ginagawa ay magiging tama. Ang pagiging masipag ay nakikita ko sa aking sarili dahil ako ay laging sumusunod sa utos hindi lamang sa aking mga magulang kundi pati na rin sa mga nakakatanda, sinusunod ko ang mga utos nila ng walang kapalit. Ang pagiging mapagpatawad sa kapuwa ay nakikita ko sa aking sarili dahil kahit may magawa man ang aking kapuwa ng masama sa akin ay pinapatawad ko ito dahil ako ay naniniwala sa kasabihan na ang hindi marunong magpatawad ay hindi rin naman makakamtan ang kasaganahan sa kalangitan. Ang pagiging matulungin ay nakikita ko sa aking sarili dahil ito ay parang pagiging masipag hindi ako humingi ng kapalit sa bawat pagtulong na aking ibinabahagi. Ang pagiging mapagmahal sa pamilya ay nakikita ko rin sa aking sarili. Siguro hindi na ito mawawala sa pagiging anak na mahalin ko at igalang ang aking mga magulang at kapatid at iba pang mag-anak. Ang pananampalataya sa diyos ay nakikita ko sa aking sarili dahil hindi lang dahil sa palaging pagsisimba kundi dahil sa pangaraw-araw kong buhay ay lagi akong nagpapasalamat sa diyos sa mga biyayang kaniyang ibinibigay at humihingi ng tawad sa aking mga kasalanan naniniwala ako na tanging diyos lang ang makakaintindi sa lahat kung kaya't dapat tayong magpasalamat sakaniya. Ang lahat ng ito ay hindi pagmamayabang bagkos ito ay aking ibinabahagi lamang.

Nangangako ako na ipapakita ko ang mga ugaling ito sa aking kapuwa. Lahat ito ay kailangan nating tularan ng sa gayon lahat tayo magkaroon ng pagkaka-isa na siyang tutulong upang mawala ang lahat ng problema sa mundo at wala ng tao pa ang iisip na gumawa ng masama.

Pabrainliest po. Thank you